Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Duwag, magnanakaw mga kalaban namin!’

0 715

Mabigat ang bawat salitang binitawan ni Kris Aquino sa kanyang bagong upload nitong Linggo, kung saan binalikan ng aktres ang pagkamatay ng ama na si dating Senador Benigno `Ninoy’ Aquino Jr.

Sabi ni Kris, napanindigan ng kanyang ama ang sinabi nitong “The Filipino is worth dying for” matapos labanan ang rehimen ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.

“I was 12 when he was assassinated in the airport now carrying his name,” kuwento ni Kris.

Giit pa ng tinaguriang `Queen of All Media’, ang bawat pagtulong na ginagawa niya ay walang halong agenda hindi katulad ng iba.

Nagpatama pa ito sa mga kalaban ng kanilang pamilya nang sabihin na wala siyang rekord ng pagnanakaw sa kabayan ng bayan.

“Hindi po ako kagaya ng iba. Hindi po ako epal. Wala po akong agenda,” lahad ng aktres. “Mas lalo po akong hindi katulad ng iba, kasi ako po nagbibigay galing sa bulsa ko, nagbabayad po ako ng tamang buwis, wala po akong history na nagnakaw ako sa taongbayan.”

Nilinaw din ni Kris na wala siyang sama ng loob kay Pangulong Rodrigo Duterte, at sinabi sa mga DDS o Diehard Duterte Supporter na walang dahilan para magkaaway sila.

“Sino ang nagtanggal ng freedom of speech sa Pilipinas? Sino ang nagpakulong at nagpapatay kay Ninoy Aquino?” sabi ni Kris.

“I have no party affiliation, pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong-gusto kaming gantihan dahil kulang pa sa kanila na pinapatay na nila ang dad ko,” banat pa ng aktres. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.