Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duwelo ng lasing: Bunso tinodas ni kuya

0 63

Patay ang 32-anyos na magsasaka matapos itong saksakin ng kanyang kuya habang nag-iinuman sa bayan ng Dinas, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang nasawing si Ruben Hinugin Perater na nagtamo ng saksak sa dibdib habang tinutugis ang kapatid nitong si Roleto Hinugin Parater, 35, pawang residente ng Purok Kalilangan, Brgy. Nian.

Naganap ang krimen ala-una Lunes ng madaling araw sa harapan ng isang tindahan malapit sa bahay ng magkapatid. Nag-iinuman ang dalawa nang magtalo sa isang hindi pa batid na bagay at dahil sa kalasingan, kumuha ng kutsilyo ang biktima at hinamon ng saksakan ang kanyang kuya na nakakuha din ng kutsilyo.

Nagduwelo sa patalim ang magkapatid hanggang sa masaksak ng kuya ang kanyang nakababatang kapatid sa dibdib at duguang humandusay sa kalsada. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.