Abante Tonite Interactive

Dwarf artist kinilala, hinangaan

By
323

Tinawag si Erwin V. Dayrit na isang ‘dwarf artist’.

Hinangaan ang kanyang mga obra na nilikha niya sa pamamagitan ng ballpoints pen.

Isinilang man na maliit­ na tao si Erwin, hindi naman matatawaran ang kanyang galing sa pagguhit gamit ang ball point pen.

Abante Hiring – IT dep

Umani ng papuri­ ang ginawa niyang Lebron+Jordan+Kobe, Apo Whang Od at ang pinakahuli ay ang imahe ng pambansang boxing champ na si Manny Pacquiao.

Ang 37-anyos na Kapangpangan artist ay ipi­nanganak ng may brittle bone disease pero hindi ito naging hadlang sa kanyang pangarap na maging isang magaling na artist kaya pinilit niyang makapagtapos ng drafting­ course sa Don Honorio Ventura State University.

Maraming hindi makapaniwala na ang kanyang obra ay iginuhit sa pamamagitan ng Dong A -ball point pen kung papaano niya nakuha ang mga kulay dahil bago ka makakalikha ng isang obra kinakailangan mo na gumamit ng napakara­ming kulay.

Ayon kay Erwin na ‘eraser’ ang kanyang bestfriend sa pag-drawing. Kung paano niya nakukuha ang kulay na gusto, ito ay sa pamamagitan­ ng paghahalo-halo ng ilang kulay.

Marami na rin netizens ang nagkainteres na bumili ng kanyang obra. Sa kabila ng pagiging maliit tinawag din nilang very talented si Erwin o Went dahil sa kanyang kakaibang estilo sa paglikha ng kanyang obra.

Ilan pa ang nagduda na hindi ball point pen kundi gumagamit umano ito ng Staedtler pens na may 48 kulay. Gayunman, ang mga nakapanood kung papaano iginuhit ni Erwin si Apo Whang Od, ang nagpatunay na Dong A-ballpoint pen lamang ang kanyang ginamit.