Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dwight nasa puso ang Gilas

0 46

HINDI iiwan ni Dwight Ramos ang paglalaro sa Gilas Pilipinas kahit nakatakda na itong dumribol sa Japan B.League.

Ito ang ipinaalam mismo ng Fil-Am guard na si Ramos sa kanyang post sa Instagram matapos dumagdag sa mga batang Pilipinong basketball player na sasabak sa nalalapit nang magbukas na B.League sa Oktubre.

“I wish I had the chance to wear Ateneo blue & white in the UAAP. However, due to the circumstances surrounding the pandemic presently and in the foreseeable future, I have decided to take my next step in my growth as a person and as an athlete,” sabi ni Dwight sa Instagram.

Ang Gilas Pilipinas hotshot na si Ramos ay pumirma bilang Asian Quota import para sa Toyama Grouses. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.