Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy, Cargo Movers ga-hibla sa korona

0 59

Mga laro ngayon:
(Aquamarine Recreational Center-Lipa, Batangas)
1:30 p.m. – Petro Gazz vs CPS
4:00 p.m. – Baguio vs Chery

Tuloy ang pag-arangkada ni Kim Kianna Dy at ng F2 Logistics, paspasang hinagupit ang Tuguegarao Perlas Spikers, 25-18, 25-18, 25-19, sa 1st Philippine National Volleyball Federation Champions League 2021 sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas Martes.

Nagbunga ang game-high 12 points ng 26-year-old, 5-foot-10 1/2 opposite hitter, middle blocker upang pamunuan ang Cargo Movers na wala pang talo ni isang set sa Day 4 ng anim na araw na torneong matatapos bukas.

Pumalag rin para sa winning squad sina Tyler Marie Kalei Mau, Mary Joy ‘Majoy’ Baron at Iris Tolenada na nagsalpak ng pinagsamang 30 markers para sa mala-pagkit na kapit sa top spot sa perfect 4-0 record.

Pahinga ngayon ang mga alipores ni coach Ramil De Jesus bago sumabak kontra Chery Tiggo 7 Pro Crossovers (2-1) sa Huwebes ng alas-4:00 nang hapon upang mawalis ang anim na koponang kompetisyon at madagit ang korona.

Nabitin naman ang 9 points ni Norielle Ipac sa Perlas Spikers na bumalandra sa 2-2 ang kartada.

At pumuntos ng 25 si Casiey Monique Dongallo nang hakbangan ng California Precision Sports (1-3) ang Baguio (0-4), 25-14, 23-25, 25-11, 25-12. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.