Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy, F2 winalis Baguio

0 52

Pumalo si Kim Kianna Dy ng 13 points para bidahan ang pag-sweep ng F2 Logistics sa Baguio, 25-12, 25-10, 25-6, sa 1st Philippine National Volleyball Federation Champions League 2021 nitong Linggo sa Aquamarine Recrational sa Lipa, Batangas.

Nagbakas si Rem Cailing ng seven markers mula sa service ace lahat, at Mary Joy ‘Majoy’ Baron ng anim na puntos para akayin ang Cargo Movers sa perfect 2-0 slate, pinagsalyahan ang Lady Highlanders sa 0-2.

Makaraang mananalasa sa first two-set, tinambakan agad ng Cargo Movers ang Highlanders sa third frame, 14-0. Pinalobo pa iyon sa 21-4, at hindi na pinaporma ang kasalpukan.

May pitong puntos si Mary Rose Carino sa pagbalikat sa Baguio.

Sunod na kasagupa ng Cargo Movers ngayong Lunes ang Petro Gazz. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.