Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy sabik sa luto ni Baron

0 315

Bilang suporta sa mga local farmer, magpapadala ng sariwang gulay si Kim Kianna Dy sa kapwa Philippine SuperLiga (PSL) at F2 Logistics Cargo Movers teammate na si Mary Joy ‘Majoy’ Baron.

Pero humirit naman agad ng kapalit ang veteran opposite hitter/middle blocker na si Dy sa kasabikan sa pangmalakasang luto ng middle hitter/middle blocker na si Baron.

“Swishy @majoybaron! Since masarap lagi luto mo and pa-Christmas na I will be sending you fresh veggies grown by our local farmers! Siyempre sesendan mo rin ako ng linuto mo ‘di ba? Oh excited na ako ah #SupportLocalFarmers #AniParaSaSuki,” tweet Martes ng 25-year, 5-foot-10 ½ na si Dy.

Tugon naman ni Baron, “Ang tanong, kakainin mo ba ‘yung luto kong gulay? Pechay bet?”

Samantala inilatag na ng PSL ang kalendaryo ng mga torneo para sa susunod na taon nitong Lunes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.