Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy tinapik na coach sa NCAA

0 277

May ilang taon na ring hindi aktibo sa pag-swing ng raketa kahit walang pormal na pahayag na retiro na si two-time Southeast Asian Games tennis gold medalist Fil-Am Denise Dy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Baka ihayag na niya sa lalong madaling panahon ang retirement lalo’t tinaggap niya na maging coach ng isang United State National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division I team, ang Fresno State University Bulldogs women’s tennis team.

Tubong San Jose, California, may ari rin ang 31-year-old netter ng apat na silver at 10 bronze medals sa anim na SEA Games nang katawanin ang ‘Pinas mula 2005-17 buhat sa women’s singles, women’s doubles, mixed doubles at women’s team. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.