Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy waging MVP

0 35

Ibinagahe ni Kim Kianna Dy ng F2 Logistics ang Most Valuable Player ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League Huwebes sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Tinaggap ng dalagang balibolista ang karangalan sa awarding ceremony pagkaraan walisin ng Cargo Movers ang limang oposiyon na walang ibinigay na set, kasama ang sa gold medal match Chery Tiggo, 25-20, 25-20, 25-22 sa huling araw ng six-day women’s indoor tournament.

Kasama sa iniuwi pang award ng 26-year-old, 5-foot-10 ½ Manila native sa pangunguna sa ‘Dream Team’ ng torneo ang Best Opposite Hitter.

Ang iba pang mga pinarangalan ay sina Frances Xinia ‘Ces’ Molina ng bronze winner Petro Gazz (First Best Outside Hitter), Crossover Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat (Second Best Outside Hitter), Abigail ‘Aby’ Maraño ng F2 (1st Best Middle Blocker) at Maika Ortiz ng Chery (2nd Best Middle Blocker).

Best Setter naman si Iris Tolenada at si Cargo Movers teammate Dawn Nicole Macandili ang Best Libero. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.