Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dy walang puknat sa pakondisyon

0 53

Walang puwedeng umawat sa tuloy-tuloy lang na pagbabatak ni Philippine Super Liga star Kim Kianna Dy.

Subsob sa paghubog ng kanyang `maskels’ ang 26-anyos, 5-10 1/2 ang taas na balibolista kung saan sa IG story niya’y todo buhat ng mga barbel sa isang gym.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang workout ay pagtupad na rin ng dalaga sa requirement ni coach Sonny Montalvo sa kanilang team strength and conditioning para maging fit pa rin habang walang laro sa gitna ng pandemya.

Ilan din sa teammate ni Dy sa F2 Logistics ay nagwo-workout via online bilang paghahanda sa nilipatan na nilang Premier Volleyball League na balak magbukas ng pangalawang conference sa huling quarter ng taon.

Maging sa social media account ni setter Alex Cabanos ay kitang kasabay niyang nagpapakondisyon sina teammate Desiree Wynea ‘Des’ Cheng at Dawn Macandili. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.