Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dyip ganado kay Cabrera

0 173

Inspirado ang Terrafirma sa 1st PBA 2021 3×3 Lakas ng Tatlo Leg 4 sa Ynares Sports Arena sa Pasig Sabado.

Sumailalim sa angioplasty si Dyip player Roider Cabrera isang linggo matapos mag-collapse sa Leg 2. Hindi pa nagkakamalay ang 30-anyos na produkto ng Adamson sapul nang bumagsak sa dugout matapos ang laro kontra Ginebra.

Sa day 1 ng Leg 4 kahapon, malinis sa dalawang laro ang Dyip sa Pool C na Ganado para sa kanilang teammate.

Unang sinagasaan ng Terrafirma ang NorthPort 19-9 sa likod ng 8 points ni Terrence Tumalip at 6 ni Dhon Reverente. Kumana muli si Tumalip ng 7 markers, may 6 si Matt Salem sa 18-15 win kontra Purefoods TJ Titans.

Wala ring talo sa dalawang laro sa Pool A ang Platinum Karaoke, diniskaril ang Cavitex 21-13 bago pinigil ang leg 3 champion Sista 21-17. Namabarako ng 12 points si Chris de Chavez laban sa Braves, puminta ng 10 si JR Alabanza laban sa Super Sealers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.