Abante Tonite Interactive

Dyosa naglaway kay Paulo Avelino

By
658

Si Dyosa Pockoh ay isa sa mga komedyanteng kinagigiliwan ng mga netizen sa social media. Bago nakilala sa mundo ng showbiz, naging isang internet sensation muna siya at nabansagang Viral Queen! Kamakailan ay nag-guest siya sa ‘Tambayan ng Tsika’, online show ng Abante Tonite.

Nagkuwento siya kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career.

Saad ng alaga ni Ogie Diaz, “Si Direk Wenn (Deramas) noong nabubuhay pa, tuwang-tuwa siya sa videos ko na May Tatlong Bibe dahil ako po ang nagpauso niyon. Lagi niya iyong kinakanta sa set at sinabihan siya ng mga kaibigan niya na marami pa akong videos sa Facebook. Tapos nakita niya naka-Darna ako, nakasakay ako sa tricycle, akala niya lumilipad talaga ako.

“Maya-maya tinatawagan na niya ako, noong una hindi ako naniniwala na siya ang tumatawag. Kaya ang ginawa ni direk, ibinigay niya ‘yung number niya at nang tinawagan ko, pinapunta niya ako agad-agad at binigyan ako agad ng isang linyang Batanguena.

“Sumunod na araw tinawagan niya ako, ‘Oy pipirma ka ng kontrata sa Viva, limang pelikula.’ Kaya mula noon hindi na ako namamansin, kahit nanay ko ‘di ko na pinapansin,” pabirong saad ni Dyosa.

Sa showbiz, sino ba ang type niyang makatrabaho? “Ay! Eto na nga, hahaha! Minsan din nag-viral ‘yung video ko na inaaya ko sa Paulo Avelino. Sabi ko, ‘Ay Paulo Avelino, ang guwapo mo naman, mamili ka, iki-kiss mo ako o iki-kiss kita?’ So nakarating kay Paulo Avelino ‘yun and nahirapan siyang mamili, kasi pareho lang naman daw ‘yung iki-kiss niya ako o iki-kiss ko siya, hahaha!

“Pero isa po siya sa mga… ang dami ko naman kasing crush na artista. Si James Reid… si Paulo Avelino, eh kaso nang nakita kong naka-trunks si Paulo Avelino, naglaway talaga ako, hahaha! Parang siya ‘yung naging crush ko nang may pagnanasa.”

May message ba siya sa mga nanlalait sa kanya? “Tulad po sa YouTube, nito lang. Sinabihan ako, ‘Hoy ang panget-panget mo, tigil mo na ‘yang pagvi-video, ‘di ka naman nakakatuwa.’ Hindi naman ako mapagpatol sa mga ano, pero gusto ko sanang patulan na, ‘Hoy excuse me, makukuha ko na ‘yung cheke kong P100,000 sa YouTube. Hahaha! Ngayon mo sabihing walang kuwenta pinaggagagawa ko.’