Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dyowa kinatay sa LQ

0 383

Malamig ng bangkay na nang datnan ng mga pulis ang katawan ng isang babae na pinatay umano ng kanyang live-in partner matapos mag-away sa kanilang bahay sa Barangay Trapiche, Tanauan City, Batangas Huwebes ng gabi.

Batay sa report ng Tanauan City police, tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan nang mabungaran ang bangkay ng biktimang si Mary Grace Badilla Cortez na nakabulagta sa sahig ng kanilang bahay, alas-11:10 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng lovers’ quarrel o LQ sa hindi malamang dahilan ang biktima at ang suspek na live-in partner nito na si Mart Anthony Guiang.

Naging mainitan ang pagtatalo nila na humantong sa pananaksak ng lalaki gamit ang isang kutsilyo.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek.

Pinaghahanap pa ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.