Abante Tonite Interactive

Dyowa ng female personality may bagong kabit

644
tonite-no-thanks-cristy-fermin
 
Abante Hiring – IT dep
 
BREAK nu’n sa taping ng isang serye. Natural, sabay-sabay na kumakain ang mga artista ng palabas. Ang kasunod ng kainan ay kuwentuhan. Uma­atikabong kuwentuhan na kung saan-saan napupunta.

 

May pagkakataong puro halakhakan ang maririnig sa paligid, komedya kasi ang tutok ng kanilang istoryahan, pero meron din naman oras na halos pabulong lang silang magsalita dahil delikado ang kanilang topic.
Kapag ganu’n ang paksang pinag-uusapan ng mga artista ay parang biglang may dumaang pari. Tahimik ang paligid, bulungan lang ang namamayani, ayaw nilang marinig ng ibang miron ang kanilang pinag-uusapan.

 

Kuwento ng aming source, “Nakakuwentuhan ko kasi ang isang artista ng serye, dapat lang naman palang pabulong lang nilang pagkuwentuhan ang nangyayari ngayon sa lovelife ng isang female personality.

 

“Nakarating na pala sa kanya ang mga kuwento na may iba nang apple of the eye ang karelasyon niya? Mas maganda raw ang girl, ‘di hamak na mas bata, ‘yun daw ang dahilan kung bakit parang baril nang baril nang walang direction ngayon ang ­female personality!
“Ang sakit-sakit nga naman nu’n dahil ang akala niya, e, may forever sa relasyon nila, pero wala pala! Mapapahiya nga naman siya, kasi, meron na palang bagong mahal ang mahal niya!” kuwento ng ­aming source.
Kapag pumutok ang balitang ‘yun ay siguradong pagpipistahan ng buong bayan ang kuwento. At ang tanging maikokomento lang ng lahat ay “E, kasi naman!” ‘yun lang!

Edu bilang na ang oras kay Coco

MARAMI nang nalalagas na buhay sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nu’ng isang gabi ay pinatay na si Konsehal Rode­rick Paulate na gumaganap na mayor. At marami pang nakasalang na mamatay sa matagumpay na serye dahil malapit na ang eleksyon.

 

Ang napakawalanghiyang karakter ni Edu Manzano sa serye bilang si Presidente Cabrera ay bilang na bilang na rin ang oras. Nandu’n pa sina dating Senador Lito Lapid at ang anak nitong si Mark, kasama rin sa mga malalagas sina Jhong Hilario at Rommel Padilla na kakandidatong congressman sa aming distrito sa Nueva Ecija.

 

Aabutin pa ng eleksyon ang serye, hindi totoong tatapusin na ang inaabangang programa ng mga Pinoy tuwing gabi, napakahaba talaga ng buhay ni Cardo Dalisay na ginagampanan siyempre ng bidang si Coco Martin.
Ilang linggong naghinay-hinay sa maaaksiyong eksena ang Ang Probinsyano. Nagpahinga muna ang grupong Vendetta. Palagi lang silang nakikitang kumakain sa mahabang mesa at naging barangay tanod pa nga na abalang-abala sa pagha­hanap sa magnanakaw ng papaya.
Pero mula nu’ng nakaraang Biyernes ay nagsimula na naman ang maiinit na bakbakan. Pero kahit nakatutok ang serye sa barilan ay hindi nawawala ang puso sa ­kuwento.
Tuloy ang pagpapakita ng ma­tinding pananampalataya sa Diyos ng pamilya ni Ms. Susan Roces, ang napakagaling na pagganap ni Rowell Santiago nang mamatay ang kaisa-isa na lang nitong anak na si Ryza Cenon sa engkuwentro, hindi kabitiw-bitiw ang mga nagaganap ngayon sa Ang Probinsyano.

 

Sulit na sulit ang ibina­bayad natin sa kuryente sa panonood ng serye, nagsisilbi ring pambanlaw sa nakakairitang traffic ang palabas, hindi nasasayang ang ating oras.

 

Sabi ng isang pinsan naming magsasaka na tagasuporta rin ng serye, “Huwag muna sanang tapusin ang Ang Probinsyano. ‘Yun na lang ang kaligayahan ng mga tulad naming maghapong nasa bukid.
“‘Yun ang omento namin sa hirap ng pinagdadaanan namin sa maghapon,” seryosong pakiusap ng aming pinsan.