Abante Tonite Interactive

Dyowa ng young actor inakusahang malikot, mukhang pera

620

Cristy Fermin

Hindi natin masisisi ang isang kilalang male personality kung paminsan-minsan ay inaapuntahan man siya ng sobrang galit sa mga bashers.

Kahit kasi gutom na aso ay hindi magagawang kainin ang mga salitang ipinalulunok sa kanya at sa karelasyon niya ngayon. Kilala sa pagiging cool lang ang guwapong male personality pero hindi naman ‘yun garantiya na hindi na siya maaapektuhan sa mga salitang ipinatutungkol sa kanyang girlfriend na non-showbiz.

Kuwento ng aming source, “Para mapuno ang young actor, e, talagang apektado na siya, hindi na niya kayang sarilinin lang ang mga pamba-bash sa babaeng wala namang kahit anong kasalanan para masaktan nang todo.

“Ano ba ang kasalanan nu’ng girl? Ang maki-pagrelasyon sa kanya? Krimen na ba ‘yun para sobra-sobrang upakan ‘yung babaeng minahal niya?

“Nakakaloka naman kasi ang mga bashers na alam naman nilang magkarelasyon kung sinu-sino. Nananahimik sila, pero palagi silang inaabuso!” simulang kuwento ng a­ming impormante.

Naging magkarelasyon ang young actor nu’n at ang isang female persona-lity. Bata pa lang sila ay meron nang kuryente ng pagmamahal sa pagitan nila.

“Naging sila, okey! Pero tapos na ang relasyon nila, malaya na silang makapagmahal ng iba! E, ano’ng kasalanan nu’ng male personality kung nakipagrelasyon siya, e, wala na naman sila nu’ng girl?

“Bakit kung anu-ano ang ibinibintang nu’ng mga bashers sa girlfriend niya? Malikot daw ang girl, mukhang pera, kaya kapag naghirap daw ang male personality, e, siya lang ang dapat sisihin!

“Nakakaloka! Para namang super-yaman na ang young actor ngayon, para namang milyonaryo na siya para husgahan ang kasalukuyan niyang girlfriend!
“Bakit kasi hindi na lang matanggap ng mga taong ‘yun na ang relasyong tapos na, e, tapos na! Mag-ex na lang sila ngayon, nakaraan na ‘yun, kaya tantanan na nila ang young actor na nananahimik na!” inis na pagtatapos ng aming source.

Alden maligaya
kahit walang ‘yaya’

Kailangan nang magtaas ng magkabilang kamay bilang pagsuko ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza. Lantaran na ang pagmamahalan nina Maine at Arjo Atayde.

Wala na silang itinatago, talagang hayagan na silang bumibiyahe nang silang dalawa lang, nagpo-post na rin sila ng mga nilalanggam sa katamisan nilang retrato kapag magkasama sila.

Siguro naman ay napakalaking ebidensiya na ng mga ‘yun para huminto na sa pag-asa ang mga tagasuporta nina Alden at Maine na magiging sila pa rin sa bandang huli.

Bilang magkapareha ay puwedeng mangyari ang kanilang gusto, pero sa personal na buhay ay nakapagdesisyon na si Menggay, si Arjo ang pinakamalapit na lalaki sa kanyang puso ngayon.

At ma­ganda ang ginagawa nina Arjo at Maine, nagpapakatotoo lang sila, ang pagmamahalan nga namang tulad ng sa kanila ay kailangang ipinaaalam at hindi ikinukubli.

At mula pa naman nu’ng una ay nagpahayag na si Maine na wala silang espesyal na relasyon ni Alden, magkaibigan lang sila, hanggang du’n lang at wala nang iba pang emosyon sa pagitan nila.

Tanggap ‘yun ni Alden, walang problema sa Pambansang Bae ang relasyon nina Maine at Arjo, ang isang tunay na kaibigan ay masaya para sa kaligayahan ng kanyang kaibigan.

Maligaya si Alden sa kanyang pag-iisa, ang tutok ng kanyang buhay ngayon ay sa kanyang career at pagnenegosyo, hindi niya kailangang mabilisang makipagrelasyon din para lang patunayan niyang maligaya rin siya.

Ang kaligayahan ay hindi nasusukat sa pakiki-pagmahalan lang. Nararamdaman ‘yun sa iba-ibang sitwasyon, sa iba-ibang porma at hugis, ang may katawan lang ang puwedeng magsabi kung gaano siya kaligaya.