Abante Tonite Interactive

Dyowa ni Agot pumiyok sa paratang na bakla

759

“Straight po sya. Straight din ako.

“Straight kami.

“Straight 8. #OtsoDiretso.

“At issue ba talaga ang gender? #LGBTQIA supporter ako, naniniwala na ang gender ay walang kinalaman sa integridad ng isang tao.

“Pero ang pagmumura at pagpatay, we’ll that’s a different story,” tweet ni Agot Isidro sa gender issue na ibinabato sa boyfriend.

Aba, personal na ang pag-atake kay Florin Hilbay, kumakandidato bilang senador para sa Otso Diretso.

Ang bagong beloved ni Agot, kumasa na, ang kanyang pahayag sa kanyang social media site, “ ____ accused me of being gay, and of using @agot_isidro as beard. Hindi ako na-inform na sumasideline pala siyang chismoso sa kanto. Daming free time, ser? And to use sexuality as an insult? He’s no LGBTQIA ally, cyst.”

Secured naman si Hilbay sa kanyang gender.

May mas mahaba pang paliwanag si Hilbay tungkol sa isyung ito. Saliksikin niyo na lamang kung kayo ay interesado lalo na sa lalaking nasa Palasyo.

Ang diva that you love, ang pinakamalaking pagtataka, ang progressive gay groups, bakit wala man lang opisyal na pahayag tungkol sa pangyayaring ito?

Garapalan ang pagsasabing ‘pagkakamali’ ang pagiging bakla at ginamit bilang ‘pang-iinsulto’. Kahit pa nga may pahayag ang taga-Palasyo na “nothing against gays,” hindi puwedeng ikaila na ang pagparatang niya kay Hilbay bilang bakla ay isang nagmumurang katotohanan na ‘minamaliit’ at ‘inaaglahi’ niya ang mga bakla.

Mga diwata at sirena, hoy gising! Hindi na dapat ganito ang kalakaran! Ang dami na nating tagumpay na hindi natin madaling kinamit pero hanggang ngayon, may tao pa ring tulad niya na ginagamit ang pagiging ‘bakla’ as an excuse to insult, malign and ridicule another person.
Ang bangs ko, nagdadabog dahil sa isyung ito!
***

Janella, Markus naispatang kumakain

Mukhang naka-move on na si Janella Salvador sa kanyang mga balakid at problema sa buhay.

Ano, the WHO na sa inyo ang dalagang promi­sing pa naman sana pero dahil stage mother of the highest order ang nanay niya, nalaos tuloy agad-agad hindi pa nga sumi­sikat in a major, major way? Ang savage niyo sa nanay niya, huh! Hahahaha.

Ang dalagang the WHO para sa inyo, kahit pa nga patalastas itong bago spotted sa isang joint na kasama si Markus Patterson na kumakain.

Ay, the WHO times two rin, si Markus? Kaya, stop na ba ito? Bwahahaha! Ang mamaldita niyo. Promising at yummy itong Patterson kaya kung gusto niyang mag-blossom at bloom ang kanyang karera at para hindi siya maging the WHO forevermore, iwas-iwasan niya ang publiko, masilayan silang dalawa ni Janella. Ayaw naman niya sigurong maging the next Elmo Ma­galona. Hindi ba naman, ang Prince of the mga the WHO. Hahahaha!
***

Tilapia war

Ang lovers na sina Mari Jasmine at Samantha Lee, super unfollow raw ang isa’t isa sa IG. Again, the WHO times two sina Jasmine at Lee, kaya ititigil na ba natin ito?

Wala naman silang mas­yadong claim to infamy kaya kesa pakialaman natin ang kanilang tilapia war, magnilay at magmuni-muni na muna tayo ngayong Huwebes Santo.