Abante Tonite Interactive

Dyowa ni Anne trending sa ‘chupa’

858

Nag-trending ang mister ni Anne Curtis na ni Erwan Heussaff sa Twitter nu’ng Biyernes dahil sa tweet niyang, “Chupa is life.”

Sobrang benta sa netizens ng tweet na ‘yon ni E­rwan, na may mga nagulat dahil sa pilyong mea-ning ng nasabing salita.

Akala nila ay kung ano nang kahalayan ang tinweet ng chef hubby ni Anne, pero may kaugnayan kasi ‘yon sa recent YouTube video nito na nag-food trip ito sa Zamboanga.

May isa pang tweet si Erwan na, “Chupa chupa all day,” na ang daming nagreak na malaswa ang ibig sabihin nu’n sa Bisaya, na sinagot ni Erwan na magkakapareho ang mea-ning ng word na ‘yon all over the world.

Ang ‘chupa’ ay Spanish word ng ‘suck’ (o sipsip) na galing sa food vlog ni Erwan na may pamagat na ‘Chupa Culo.’ Sa nasabing vlog ay super-sipsip si E­rwan ng mangrove snails o suso na niluto ng locals doon.

Ang ‘culo’ ay Spanish din na ang ibig sabihin ay ‘butt’ (o ‘ass’ o ‘bottom’ o puwet sa Tagalog).

Nasa Zamboanga kasi si Erwan na kilala sa Spanish influence nito kaya ginamit niya ang wikang Chavacano na dialect ng mga tagaroon.

“Ok this is getting out of hand. Watch the video, guys! It’s all about food. Lol,” tweet pa ng guwa-ping na mister ni Anne.

Ang daming nagreak kaya ang dami ring nanood ng vlog ni Erwan. May mga nag-comment na papansin siya dahil sa kanyang ‘chupa’ tweet.

Pa-clickbait daw si E­rwan para panoorin ang kanyang YouTube channel.

Depensa naman sa kanya ng ilang netizens, at least daw ay ipinapa-kita ni Erwan ang ganda ng Pilipinas at sa vlog na ‘yon ay tinampok niya ang kultura ng mga Mindanaoan.

Well, totoo naman ‘yon dahil kahit ano pang sabihin ng bashers at haters ay may substance talaga ang vlog ni Erwan at marami kang matututunan.

Isa si Erwan sa most influential food and travel vloggers natin ngayon at mahigit 1M ang subscri-bers ng kanyang very informative na YouTube channel.
Iba siguro ang dating kung ang misis niyang si Anne ang biglang mag-tweet ng, “Chupa is life!”

Baka tumambling sa inggit ang mga bading! Charot!!

Ara kinikilatis ang bagong boylet

Kiyemeng ‘My labs’ pa rin ang tawag kay Ara Mina ng ex dyowa niya at ama ng anak niyang si Mandy na si Patrick Meneses.

Natawa si Ara dahil sa video message sa kanya ni Patrick nu’ng 40th birthday celebration niya nu’ng May 9 ay ‘my labs’ pa rin ang tawag sa kanya nito kahit apat na taon na silang hiwalay.

Hindi na raw kinikilig si Ara dahil parang mag-best friend na lang ang turingan nila ni Patrick. Love pa rin daw niya ito bilang father ng kanyang daughter, pero natuto na siyang mag-move on.

Cash daw ang birthday gift nito sa kanya dahil sinabi niya kay Pat na mag-share ito sa pinaghandaan niyang Tuscan vineyard-themed party.

In fairness ay sinasabi raw ni Patrick na #1 siyang pinakamabait sa mga nakarelasyon nito. Wala raw kasing marereklamo sa kanya ang mga past BF niya dahil hindi siya ‘yung tipong nagtatanim ng sama ng loob.

Katwiran ni Ara, kung hindi kayo meant for each other ay tanggapin mo dahil ibibigay daw ni Lord ang taong para sa ‘yo.

Halos lahat ng fa- mily and friends ni Ara ay love ang wish sa kanyang birthday. Agree siya na ‘yun na lang talaga ang kulang sa kanya at nararamdaman daw niya na parating na ‘yon this year.

May prospect na raw siya, pero kinikilatis pa niya.

Kailangan pa ba niya ng lalaki sa buhay niya?

“Siyempe naman. Si Mandy, lalaki at mag-aasawa. Ayoko namang tumanda mag-isa. Gusto kong magkaroon ng partner in life.”

Nangangarap pa rin daw si Ara na maikasal at lahat naman daw ‘yon ay nakukuha sa dasal.

Bukod sa showbiz career niya ay aligaga si Ara sa mga negosyo niya. Gusto niya raw kasi na may maipagmamalaki siya sa anak niya at kahit single mom siya ay may naipundar siya.

***
Makikisaya ang “Sahaya” stars na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Miguel Bornea at BJ Tolits nga-yong 5:00 PM sa Vista Mall sa Daang Hari, Cavite.
Sasamahan ang BiGuel nina Yasser Marta, Nikki Co at Brent Valdez ng grupong One Up.