Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa tanggap ng utol ni Bistek

0 508

Nag-react si Harlene Bautista tungkol sa napapabalitang relasyon ng kanyang kuya Herbert Bautista kay Ruffa Gutierrez. Aniya, wala raw naman siyang nakikitang masama ukol dito.

“Alam ninyo kung kanino man iyon, kung kanino man siya ma-link, ok ako basta walang drama, walang pressure.Nakikita ko, happy siya, happy ako, “sey ng actress-producer.

Nilinaw rin niya na sa pagkakaalam niya ay hindi pa ganoon kalalim ang relasyon ng dalawa.

“Kilala ko naman si Ruffa dahil ages na kaming magkakilala at nagme-message sa isa’t-isa. Iyong sinabing dinala sa bahay para ipakilala, wala pa namang nangyayaring ganoon,”hirit niya.

Gayunpaman, boto raw siya kay Ruffa para kay Herbert.

“Kagaya ng sinabi ko, kung sinuman iyon, basta happy ang kuya ko, okay ako, “pahayag niya.

Tungkol naman sa kanyang current inspiration, ipinagdasal daw niya ito.

Naniniwala rin siyang kung nabubuhay ang tatay-tatayan niyang si Kuya Germs ay matutuwa ito sa relasyon nila ng anak nitong si Federico Moreno.

“Sa amin naman kasi, hindi siya hinanap. Hindi plinano. Nangyari lang siya. Ang dasal ko lang noon, gusto ko lang maging masaya, okey na ako tapos dumating siya, ” ani Harlene.

Anyway, siyq ang executive producer ng “Huling Ulan sa Tag-araw” na kalahok sa 2021 MMFF. Ito ang unang movie nina Ken Chan at Rita Daniel. Mula sa direksyon ni Louie Ignacio. Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon at Richard Yap.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Rita nasarapan kay Ken

Nahingan si Rita Daniela ng kanyang reaksyon sa kanilang sizzling bed scenes ni Ken Chan sa “Huling Ulan sa Tag-araw.”

“How did I feel? E di masarap! Aarte pa ba naman ako? E Ken Chan yan, o, ang guwapo-guwapo,” aniya.

Aminado rin daw siya na may panahong naisip niya noon na mag-quit na sa showbiz.

“Actually, there was a time when I gave up showbiz at bumalik ako sa school. Nung kinukuha uli ako ng GMA, I prayed to God. Sabi ko, bigyan Nyo po sana ako ng tamang tao na makakasama ko. O, si Ken ang ibinigay. So kundi naman siya ang ka-love scene ko, huwag na lang. Kaya I really want to honor him. I don’t think magagampanan ko ito effectively kung hindi siya ang kapareha ko. Thank you for everything, kasi hindi naman magte-take off ang career ko without our love team na nagsimula sa ‘My Special Tatay’,”pahayag niya.

Aniya, ibinigay din daw niya nang todo ang makakaya niya para mabigyan ng justice ang role na iniatang sa kanya ni Direk Louie Ignacio.

So far, happy daw naman siya sa naging outcome ng movie at bonus pa raw na nakapasok ito bilang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Sa mga nakapanood naman sa press preview na impressed sa kanyang performance at nagsasabing malaki ang tsansa niya sa best actress award sa MMFF, aniya, ayaw daw niyang mag-expect nang anuman.

“Naku, hindi ko iniisip yun. To begin with, we haven’t even seen the other entries. I’m sure magagaling din yung iba. The fact na nakagawa kami ng magandang movie na napasama sa filmfest, big blessing na yun for me. I just leave it all up to the Lord kung bibigyan pa niya ako ng additional blessing. Pero ang mas gusto kong blessing, sana panoorin ng mga tao sa sinehan ang ‘Huling Ulan sa Tag-araw’ when it opens in theaters on Christmas Day,”pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.