Abante Tonite Interactive

Dyowa ni KC may kastilyo

2,030

tonite-imo-vinia-vivarBotong-boto naman pala si Sharon Cuneta sa French filmmaker na boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Piassart.­

Ipinost pa ni Megastar ang article ng isang online magazine about KC and Pierre’s relationship at sa caption, mainit daw nilang tinanggap ang boyfriend ng anak sa kanilang pamilya.

“My Kristina and Pierre. Not anyone new. The same Pierre we warmly welcomed into our family and circle years ago. I am so happy,” ang caption ni Shawie.

Abante Hiring – IT dep

Sa comment section ay sari-saring reaksyon ng netizens, may pabor­ at may hindi, may postive­ at may negative. May mga ilang komento na sinagot si Sharon.

Sa mga reply ni Megastar, makikitang matagal na nilang kilala si Pierre at nakasama na pala nila sa mga travel.

Naikuwento niya na nakilala raw nila si Pierre at ang mom nito sa birthday party ni President Bill Clinton. Kung kelan, hindi na sinabi ni Sharon but we guess na some years back na rin.

“Yes, THAT’s the guy. I’ve missed him so much too! We travelled all together to Japan and Thailand too before. We met him and his Mom at Pres. Bill Clinton’s 60th – or was it 65th? – Birthday party. Sa dami ng tables, sa isang table kaming apat along with a few guests from China, etc. And Pierre, when he came to introduce himself to us, introduced hinself to ME first, and waited for me to introduce him to KC. A decent man. I’ve always been comfortable in entrus­ting KC to him.”

May nagtanong kung ito raw ba ang guy na may castle at kinumpirma naman ito ni Sharon.

“Hahaha yes and she’s been there. That’s where he grew up. His mom and sisters and KC really get along too. They are all together in LA. I’ve always adored Pierre,” ani Sharon.

May isa namang netizen­ na nakapagpa­galit kay Sharon sa hindi maganda nitong komento.

“YOU ARE RUDE. YOU DON’t belong here. Pls leave my page. How dare you talk about a man na disente at matino din naman. At di mo kilala. Lalong di ka namin kilala,” ang mensahe ni Shawie sa bastos na netizen.

Isa pang mensahe ni Shawie, “I hope everyone can just pray for KC’s happiness and peace and mind their own lives para pati sila sumaya naman. Di naman tayo pinanganak para buhay ng iba ang gawin nating buhay natin.”

 Leila umiyak kay Ogie

Kuwento ni Ogie Alcasid, may mga bashers na rin ang kanyang eldest daughter na si Leila, who, as we all know ay nasa showbiz na rin. Aminado siyang naaapektuhan din ang anak at umiiyak nga raw minsan sa kanya.

“Pero sabi ko, “alam mo nak, dadami pa ‘yan.” Kaya niya ‘yun. Saka ‘yang anak kong ‘yun, madasalin ‘yun, ma-church ‘yun, naku minsan, 2 beses mag-church ‘yun sa isang linggo,” kuwento ni Ogie.

Basta ang bilin lang daw niya kay Leila, importante pa rin ang pagkakaron ng magandang attitude at hindi porke anak siya ng artista eh may privilege na siya.

“Kapag ikaw, ang fee­ling mo, eh, “anak ako ni ganito”, hindi pwede ‘yun. You have to earn it. Which ganu’n naman siya. So, ayan, gawa nang gawa ng kanta. Ang sipag niyan sa mga fan niya,” tsika pa ni Ogie.

Ang pangalawa naman niyang anak na si Sarah, aniya, hindi na rin daw siya magtataka kung pasukin na rin nito ang showbiz.

“Pero marami rin siyang gustong gawin, eh. Gustong maging doktora,­ gustong maging­ negosyante.”
Ang bunso naman niyang si Nate na anak nila ni Regine Velasquez ay kumakanta-kanta na rin at his early age now.

Ang tatlong anak na ito ni Ogie ay makakasama niya sa stage for the first time sa 30thanniversary concert niya titled “OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert” na gaganapin sa August 24, 8pm sa Araneta Coliseum. Siyempre, guest din si Regine kaya isang buong pamilya silang naroroon lalo pa nga’t daarating din daw si Michelle Van Eimeren na ex-wife niya at nanay nina Leila at Sarah.