Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dyowa ni Kim bumulaga ang bakat

0 140

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Xian Lim ang kanyang off-road motorcycle training .

Marami ang pinahanga ng Viva artist dahil kinarir talaga nito ang pagpapakitang-gilas sa daan gamit ang kanyang dirt bike.

Sey pa nga ng mga netizen, papasang stuntman si Xian. Walang takot nitong sinagupa ang pagtawid sa mabato, maputik na daan at maging sa ilog. Lulan siya ng kanyang motor na anilaý mapanganib.

Ani Xian, four years na raw niyang plinano ang motocross lesson pero dahil sa kanyang hectic schedule ay ngayon lamang niya ito napaglaanan ng panahon.

Nagkaroon naman muna ng warmup at refresher course si Xian bago siya sumalang sa track, magtatalon sa kanyang motorbike at umakyat sa mga bulubundukin.

Along the way, ipinasilip din ni Xian ang nadaanang “sea of clouds” na para sa kanya ay very scenic para sa mga biyahero.

Natapos ang kanilang trail sa isang waterfall kung saan nagtampisaw sa tubig .Naligo ang actor at halos bumulaga ang kanyang Felix bakat.

Sa mga komento naman sa kanyang vlog,nagtatanong naman ang followers niya kung kailan niya isasama si Kim na mahilig din sa extreme adventures.

Hashtags minalas sa negosyo

Sa vlog ng dating Hashtags member na Kid Yambao, nagkaroon ng reunion ang mga miyembro ng kanilang dance group.

Present sa guesting sina Zeus Collins, Nikko Natividad, Jimboy Martin at Wilbert Ross.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa grupo, malaking dagok para sa kanila ang hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN dahil aminado silang nawalan ng raket.

Damang-dama rin daw nila ang krisis pagdating sa local entertainment industry .Waley talaga silang shows kumpara noong pre-pandemic days na in-demand sila sa iba’t-ibang out-of-town shows and engagements.

Sa kaso nina Kid, Nikko at Wilbert , nag-invest daw sila sa business pero sinamampalad na hindi sila sinuwerte.

Si Wilbert ay nagnegosyo ng poultry pero dahil sa ipinatutupad na quarantine, nalugi raw siya.

Inamin din niya ang matinding pakikipaglaban niya noon sa depresyon pero ngayon daw, gusto na niyang mag-focus sa kanyang singing career.

Ganoon din si Kid na sa isang panayam ng dating manager na si Ogie Diaz ay inaming nagoyo umano siya ng isang kamag-anak na pinagkakatiwalaan niya.

Itinakbo raw kasi nito ang kanyang naipong pera para i-invest umano sa negosyo kaya nasimot ang kanyang savings.

Si Nikko naman na bahagi pa ng It’s Showtime ay natangayan daw ng pera pagkatapos na makisosyo sa isang investment scam.

Hirit pa niya, lahat daw ng anim na negosyong pinasukan niya ay nalugi kasama na ang pagiging distributor ng gamot ng kanyang misis.

Sa kaso naman ni Jimboy tuloy ang negosyo, may clothing line daw siyang ipino-promote at ibinebenta online.

Kuwento naman ni Zeus, ang huling perang naipon daw niya ay in-invest niya sa food business na Le Katsu.

So far daw, thankful naman siya dahil may apat na franchise stores na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.