Abante Tonite Interactive

Dyowa ni Matt hinahabol sa talbog na tseke

0 667

Naghahabol si Kuya M sa atraso ng asawa ni Matt Evans na si Riza Katrina Evans.

2018 pa diumano ang pagkakautang ni Riza. Pinagbigyan umano siya na makabayad hanggang March, 2019 bilang palugit.

“Usapan namin maghuhulog-hulog siya from last year to March 31 , 2019 pero puro pangako lang. Wala siyang naihulog kahit magkano. Kaya pinasok ko lahat ang tseke niya ng ng April 1 at tumalbog lahat,” text tsika ni Kuya M sa source namin.

“Then nakipag-usap siya ulit last October at nangako na magbabayad na siya ng 20K every 15th at 30th pero di siya tumupad sa napagkasunduan namin,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga tsekeng tumalbog ay nagkakahalaga ng P672,000, P390,000,P744,000 at P490,000. Dated lahat ito ng April 1.

Actually gumawa ng promissory note ang misis ni Matt na magbabayad mula Oktubre, 2019 hanggang April 15, 2020. Magbibigay rin siya ng P100,000 na ibabawas sa P2M na principal. Kalakip nito ang kopya ng kanyang driver’s license.

“Bale 1 hulog lang s’ya nakapagbigay for October 15 pero 10k lang na-send nya sakin s Viber n deposit transaction. Then yung for Oct 30 sinasabi nya n Nkapag hulog sya inutos dw yata nya Sabi send dw nya yung transaction pero Wala sya sinend.

“Usapan nmin n everytime nag dedeposit sya mag send sya sakin ng screen shot or photo ng deposit slip pero once lang nya nagawa yung half ng hulog for Oct 15th,” paliwanag pa sa chat ni Kuya M.

Wala raw paramdam hanggang ngayon si Riza Katrina kaya nanawagan si Kuya M na ayusin ang atraso niya.

Bukas ang panig ni Riza Katrina at ni Matt para sa ikaliliwanag ng isyung ito.