Abante Tonite Interactive

Dyowa ni Solenn type ni Paolo

By
3,326

Buong ningning na sinabi ni Paolo Ballesteros na na­­papanahon ang pelikulang ‘My 2 Mommies’ dahil nangyayari at tina­talakay ito sa totoong buhay.

“Ang gusto naming ipakita is a different kind of mother. Kasi ang alam natin pag Mother’s Day, the usual na nasa card na puro mama.

“Tama naman ang nasa movie, hindi lang naman babae ang nanay, ‘di ba?” bulalas niya.

Ang punto ni Paolo hindi lang naman nakasalalay ang pagiging ina sa pagluwal ng sanggol. Puwede pa ring gampanan ang pagiging ina kahit hindi galing ito sa iyong sinapupunan.

“Merong ibang klaseng nanay, ‘yung iba nawala ‘yung nanay at ang na­ging nanay, ‘yung kapatid, so it’s a different kind of mother,” paliwanag pa niya.

Naniniwala rin si Solenn na maraming makaka-relate sa movie nila ni Paolo.

“In a way, people are accepting things more. Pati ‘yung LGBT (Lesbian­, Gay, Bisexual, Transgender) community is strong na also.

“Madaming bansa na ang nag-agree ng gay marriage, the world is opening up little by little, so relatable talaga ang movie,” aniya.

Sey naman ni Direk Eric Quizon, “There are a lot of parents na ganyan. It’s just that because of how Filipinos view it. Siyempre, religion pa rin (may malakas na influence­).

“But ang maganda ka­si now, people have become more socially accepting, ‘yung social awareness mas okay na,” sambit niya.

“They don’t mind, they’ve been open about their sexuality as compared to before. Mas open na sila ngayon.

“Parents who come from LGBT groups mas relaxed na sila of handlin­g situations like this, and kahit sa mga bata, mas open na ang understanding nila,” lahad pa niya.

Samantala, challenge kay Paolo ang ‘My 2 Mommies’.

“Lahat ng ginagawa ko gusto ko ‘yung tsina-challenge ko ‘yung sarili ko, so I make sure na 100 percent ‘yung binibigay ko.”

Personal choice din niya si Solenn na maging leading lady.

“Everybody look up to her. I really like her personality, at napakatalen­ted niya. Maganda na, brainy pa, plus na ‘yung fit and sexy! Gusto kong maging siya, at gusto ko din si Nico,” natatawa ­niyang pahayag.

“Very nice, kahit anong ipagawa sa kanya, okay,” papuri pa niya kay Solenn.

Showing na sa May 9 ang ‘My 2 Mommies’. Tampok din sina Maricel Soriano, Joem Bascon, Diane Medina, Marcus Cabais, Debraliz.

Handog ito ng Regal Entertainment, Inc. para sa Mother’s Day.

Young actor marupok sa tukso

IYAK ng buwaya ang puna ng mga basher sa isang young actor. Sana raw ay totoo ang ginawa niyang pagsisisi sa kasalanang nagawa niya sa kanyang girlfriend.

Ganyan din daw kasi ang ginawa niya sa kanyang ex-girlfriend. Nu’ng time na mag-on sila, hindi siya sumipot sa birthday ng girl. Ang nakakaloka, may iba umano itong ka-date. Kawawa ang young actress. Ngang­a sa presence ng boyfriend.

Tapos ngayon, inulit na naman niya ang panloloko sa bago niyang nobya.

Sadyang marupok lang siya sa tukso lalo na sa mga seksi at magandang babae, huh!

Megan kinilala sa Platinum Stallion Media Awards 2018

BILANG si Mayumi sa The Stepdaughters, pinatunayan ni Megan Young na hindi siya basta-basta mapapatumba ng mga hamon ng buhay. Sa tunay na buhay, ito rin ang pinatunayan ng 2013 Miss World dahil isa siya sa mga inspirasyon ng kabataan ngayon. Kama­kailan nga ay kinilala siya bilang Media Practitioner for Television sa katatapos lang na Pla­tinum Stallion Media Awards 2018 na inorganisa ng Trinity University of Asia.

Samantala, patuloy rin ang pag-arangkada ng ‘The Stepdaughters’ sa telebisyon. Patunay lang na hindi talaga kayang maasinta ng kalaban.