Abante Tonite Interactive

Dyowa tinodas sa walwalan saka nagsaksak sa sarili

402

Nagtangkang magpatiwakal ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili makaraang mapatay ang kanyang live-in partner na natadtad ng saksak sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalalawa.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, kainuman ng suspek na si Melvin Mala­zarte ang biktimang si Shirley Anonuevo, 26-anyos, kapwa ng Brgy. Bagong Barrio 1, San Jose del Monte City nang mainitan silang magtalo hinggil sa pagseselos ng suspek.

Nagdilim ang paningin ng suspek kaya pinagsasaksak ang biktima at nang mabatid ang nagawa sa kinakasama ay nagsaksak ito sa sarili pero nai­ligtas ng mga kapitbahay at naisugod sa San Jose District Hospital. (Jun Borlongan/Edwin Balasa)