Abante Tonite Interactive

Dyowang may ka-text Dinedbol

819

Patay ang isang babaeng kusinera matapos itong barilin ng ka-live in na security guard nang mabistong may ka-text ang dyowa habang sila ay nag-iinuman sa Calamba City, Laguna.

Nasawi habang nakaratay sa JP Hospital si Aileen Inocencio Diocares, 45-anyos, taga-Barangay Mamatid, Cabuyao City.

Kinilala naman ang suspek na si Ernesto Basilad Laurino, 34-anyos, ex-army, tubong Candoni, Negros Occidental at stay-in security guard sa Hall of Justice, Barangay Real, Calamba City.

Sa report ng Calamba City police, nag-iinuman ang mga ito sa quarters ng mga sekyu nang makita ng suspek na may ka-text ang kanyang misis.
Nagtalo ang magdyowa nang hindi ipa­kita at burahin agad ng babae ang mga message sa kanyang cellphone.

Bunga noo’y pinagdimlan ng paningin ang suspek at binaril ang kinakasama gamit ang kanyang service caliber 38 pistol.

Naaresto naman agad ang suspek at sinampahan na ng kasong homicide. (Ronilo Dagos)