Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dzi, Shola bagong bala ng F2

0 140

Bibira na kasama ang F2 Logistics Cargo sina veteran wingers Angeline Marie ‘Dzi’ Gervacio at Maria Shola May Alvarez.

Ito ang inanunsyo ng Cargo Movers Lunes para sa bagong nilang mga manlalaro na makakasama sina team stalwarts Abigail ‘Aby’ Maraño, Mary Joy ‘Majoy’ Baron, Kim Kianna Dy, Victonara ‘Ara’ Galang, Dawn Niole Macandili at iba pa.

Huling pumalo si Gervacio sa 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 sa Santa Ana, Cagayan noong Oktubre para sa Creamline, samantalang si Alvarez sa PLDT Home Fibr sa 1st Premier Volleyball League 2021 Open Conference sa Laoag noong Agosto.

SM food to go Banner Ad

Nagkampeon naman ang Cargo Movers noong Nobyembre sa 1st Philippine National Volleyball Federation Champions League matapos lumiban sa PVL Open.

Planong buksan ang 2nd PVL Open Conference 2022 sa Pebrero 16 via bubble setup sa Paco Arena Events and Sports Center sa Maynila o sa Royale Tagaytay sa Cavite kung saan aaksiyon na ang F2. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.