Abante Tonite Interactive

E-Coliseum bubuuin para sa SEA Games

By
78

Bubuuin ang isang e-coliseum para sa pagsasagawa ng electronics sports sa unang sultada nito sa 30th Southeast Asian Games sa Pilipinas sa 2019.

Pamumunuan ng Razer TM, ang official eSports partner ng SEA Games 2019, ang pagkokonsepto ng “battle arena” para sa anim na paglalabanang mga laro.

Ipinaalam nina Ra­zer co-founder at CEO Min-Liang Tan at Justin Yuan, ang CEO at co-founder ng Moonton Games, na kanilang pag-aaralan kung alin sa Clark at Manila ang pinakamagandang lugar para pagganapan ng mga labanan upang mas maging popular ang eSports sa bansa.

Abante Hiring – IT dep

Bilang official e­Sports partner ng SEA Games 2019 ay gagawin ng Razer ang pagbibigay-kasanayan at ekspiri­yensa sa pagsasagawa ng eSports sa pamamagitan ng ecosystem nito ng mga hardware, software at serbisyo para suportahan ang eSports tournament.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang dalawang grupo sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PhilSGOC) at mga game publisher para mapili ang mga larong paglalabanan sa SEA Games eSports tournament.

Nangako din ang Razer na susuportahan nito ang mabubuong komposisyon ng Team Philippines eSports athletes na siyang magrerepresenta sa bansa.

Ang Moonton naman ang publisher sa popular na laro na Mobile ­Legends: Bang Bang.

Kabuuang anim na laro ang paglalaba­nan kung saan dalawa sa personal computer, dalawa sa console at dalawa na gamit ang mobile o cellular phone.