Abante Tonite Interactive

E’ Dawn tsugi sa ‘Dating Scandal’

222

tonite-annyeong-rose-garcia

Kumpirmado na ngang terminated na ang kontrata ng Pentagon member na si E’ Dawn sa kanilang agency, ang Cube Entertainment.

Kung matatandaan, sina E’ Dawn at Hyuna na parehong ar­tists ng Cube Entertainment ay nagkaroon ng “dating scandal.”

Marami sa mga fan nila ang na-turn-off dahil sa diumano’y panlilinlang ng mga ito na umabot ng dalawang taon. Nalagay rin sa alanganin ang Cube… nang mag-issue ito ng statement na walang katotohanan sa ‘dating’ issue only to admit by the two hours after.

Since then, marami na ang nag-abang kung ano ang kahihinatnan ng dalawa. Sa parte ni Hyuna na solo singer naman talaga, she can always do so at walang grupo na masasagasaan. Siguro ‘yun din ang dahilan kung bakit isang buwan pa after ng kumpirmasyon na wala na sa agency si Hyuna, saka lang naman nakumpirma ang kay E’ Dawn.

So officially, E’ Dawn will no longer be part of the South Korean boy group na Pentagon. At siyempre, marami naman ang nag-aabang ngayon kung ano ang mga susunod na hakbang ng singer sa kanyang career– most likely, magso-solo na lang siguro ito.

Pagkatapos ng official na announcement ng Cube Entertainment na wala na sa kanila si E’ Dawn at hindi na parte ng Pentagon, nag-post sa kanyang Instagram account ang idol ng bago nitong looks.
Ilang pictures ang pinost niya sa kanyang IG account na @hyojong_1994. Although, walang nakasaad na caption, ipinagpalagay naman ito ng mga netizen na mensahe ni E’ Dawn sa lahat, lalo na sa mga fan niya na “he’s okay.”

Mixed naman ang reactions maging ng mga industry’s expert sa future ni E’ Dawn sa kanyang career ngayong wala na ito sa Cube… at sa Pentagon.

So, sa ngayon, we’ll have to see kung mapagsasabay nga ba ni E’Dawn na mapagtagumpayan ang relasyon niya kay Hyuna at career.