Abante Tonite
Mabilis sa Balita

E-Gilas, Australia namuro sa finals

0 229

Bumawi ang E-Gilas Pilipinas sa pagkabulaga nang mamantsahan ang dating malinis na rekord tungo sa pagtabla sa liderato sa unang araw ng International Basketball Federation (FIBA) Esports Open II Southeast Asia/Oceania conference .

Ginulat ng Australia ang Team Pilipinas 70-53 sa unang laban Sabado ng gabi, pero ibinunton ng mga Pinoy ang ngitngit sa dalawang laro Indonesia 65-37 at 65-50, saka ang resbak sa Australians 81-55 para sa 3-1 record kagaya ng Aussies.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-level up si Aljon “Shintarou” Cruzin para sa local bets sa 3-of-8 sa 3-point shots pa-28 points sa unang pagtaob sa Indonesians. Siya rin ang bumida kontra Down Under sa pamamagitan ng 37 markers.

Si Clark Banzon ang namuno sa bangis ng PH bets sa isa pang pagpapataob sa Indons (0-4) nang umiskor ng 24.

Muling makakasagupa ng ‘Pinas ang Indonesia at Australia Linggo ng gabi para sa huling dalawang elimination round games bago malaman ang top two team na uusad sa best-of-three-finals. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.