Abante Tonite
Mabilis sa Balita

E-Gilas sokpa sa semifinals

0 242

Kandado na sa semifinals ng FIBA Esports Open III Southeast Asia Conference ang E-Gilas Pilipinas nang walisin nila ang Group A nitong Biyernes.

Unang binaklas ng E-Gilas ang Vietnam nitong Biyernes ng umaga matapos talunin sa iskor na 78-40. Umingay naman sa social media ang huli nilang laro kontra Maldives nang tambakan nila ito ng 94 puntos, 124-30.

Pasabog ng ng 20-of-22 shooting si floor general LPE_Shintarou na nagbigay sa kanya ng game-high 54 points, 14 assists at 1 rebounds.

Umagapay rin sa opensiba si small forward LPE_Custer nang mag-ambag ito ng 24 markers, 8 dimes, 3 boards at 3 steals. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.