Abante Tonite Interactive

E-powers muna bago pederalismo

By
10

Giit ni Senador Grace Poe na bago pa tutakan ang panukalang pederalismo ay unahin munang tapusin ang nakabiting emergency powers bill para sa pagresolba ng problema ng trapiko sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ikinalungkot ni Poe na tila tuluyan na lamang isinantabi ang panukala gayong nu’ng una ay pinamamadali ito.

Paliwanag ng senadora, ang problema sa trapiko ay matagal nang nakakaamba at hinihintay na ng taumbayan kung paano ito maiibsan at matutugunan.

Kaya umano dapat na ito muna ang unahin kaysa sa pagpalit ng istruktura ng gobyerno tulad ng pederalismo.

Gayunpaman, kahit hindi kasama sa agenda ang E-powers bill ay sisikapin pa rin umano ng senadora na ipakiusap ito sa kanyang mga kasama upang maisingit.