Abante Tonite
Mabilis sa Balita

e-Sabong paiimbestigahan

0 421

Kinuwestyon ni Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. ang operasyon ng e-sabong na pinayagan umanong mag-operate ng taliwas sa batas.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa mambabatas Huwebes, nakasaad sa Cockfighting Law of 1974, na maari lang mag-operate ang mga lisensyadong sabungan tuwing Linggo, mga legal holiday at pista na hindi lalagpas ng tatlong araw.

“Araw-araw ang sabong ngayon sa Pilipinas. Ang masakit pa nito, kahit mahal na araw o Holy Week–kahit Biernes Santo sagrado; kahit ngayong pandemic; kahit bawal ang sabong dahil sa ECQ o MECQ o GCQ – tuloy pa rin ang online sabong,” ani Abante. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.