Abante Tonite
Mabilis sa Balita

E-trike vs kotse, ginang dedo

0 221

Nasawi ang pasahero ng isang electric tricycle habang malubha ang driver nito nang banggain sila ng isang sasakyan habang papaliko pakaliwa sa Imus City, Cavite, Lunes ng gabi.

Kapwa isinugod sa ospital sina Amelita Ricafrente at ang e-trike driver na si Virgilio Minaldo, 64-anyos, pero namatay ang nauna habang ginagamot.

Kinilala naman ang driver ng Hyundai Accent sedan na si Raven Supilanas na tinangkang tumakas subalit hinabol ng isang tricycle driver kaya naaresto.

Sa ulat ng Imus City Police Station, alas- 7:20, kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Barangay Anabu 1-C, Imus City kung saan minamaneho ni Minaldo ang e-trike sakay si Ricafrente, binabagtas ang nasabing lugar galing sa City Mall at paliko sana sa kaliwang bahagi pa-north bound nang banggain sila ng minamanehong sasakyan ni Supilanas na patungo naman sa north direction.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon ang nakasakay sa e-trike at nagtamo ng malalang sugat kaya isinu­god sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.