Abante Tonite
Mabilis sa Balita

E-vehicle ililibre sa VAT

0 302

Inaprubahan sa joint hearing ng tatlong komite ng Kamara ang substitute bill para sa regulasyon ng mga electric vehicle at pagkakaloob ng value-added tax (VAT) exemption sa mga bibili nito.

Sa virtual hearing ng House committees on energy, transportation at ecology, ang substitute bill na binuo mula sa 15 panukala ay ipadadala naman sa House committees on appropriations at ways and means kung saan pag-uusapan ang pondong kakailanganin at probisyon sa pagbubuwis na nakapaloob dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng Comprehensive Roadmap on Electric Vehicles (CREV) upang mas dumami ang gumagamit ng ganitong sasakyan sa bansa.

Isasama rin sa investment priority plan ng gobyerno ang lokal na paggawa ng e-vehicle at bibigyan ng exemption sa pagbabayad ng VAT ang mga bibili ng naturang sasakyan. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.