Abante Tonite Interactive

EA lantaran na ang relasyon sa GF

850

Galing na galing si Edgar Allan Guzman sa kanyang “Mia” leading lady, si Coleen Garcia. Ang pelikula nilang pinagtambalan ang unang Pinoy film na ipapalabas ngayong taon.

Magaling si Coleen para kay EA kasi A) Sa mga eksenang lasing-lasingan si Mrs. Billy Crawford eh kumbinsidong-kumbinsido ang dyowa ni Shaira Diaz na parang lakas amats talaga ito? B) Dahil blooming at blossoming si Garcia, marriage becomes her at may mga shots nga ito sa pelikula na parang kawangis na siya ni Anne Curtis; C) Sexy in her underwear ang kanyang leading lady at hindi rin nagpatalbog sa paseksihan ang dating naging entry sa showbiz ay ang pagiging Mr. Pogi sa “Eat Bulaga” dahil panalo naman ang hubad barong katawan niyang pang-romansa; o D) Dahil nga nest in good manners and right conduct si Garcia during the shoot at umastang na parang hindi Ingliserang totoo?

All of the above ang sagot ni EA sa multiple choices. Aniya: “First shooting day pa lang namin, in character siya. Mia na siya kaya nakatulong ‘yung alam kong prepared siya. Saka, ang dami kong lines in English at hindi ako nahihiyang magtanong kay Coleen kung tama ang pagbigkas ko. Gusto ko rin, at hindi ko makakalimutan sa kanya, maliban sa pagiging professional niya, ‘yung pagtawa niya. Aliw eh. Kakaiba talaga. Nakakahawa.”

Sa totoong buhay ba, ‘pag may babaeng nagparamdam sa kanya, tutukain niya ba? Maagap na sagot ni Guzman: “Hindi kasi ako ma-night life na tao. So I wouldn’t know. Saka hindi ko bet sa babae ‘yung mas malakas pang uminom sa mga lalaki. Occasional drinker ako, oo pero hindi ‘yung tipong ‘pag tipsy nagiging pilyo na o kaya maharot.”

Happy ngayon ang binata dahil hindi na relasyon sa dilim ang pinagsasaluhan nila ni Shaira Diaz.

Paliwanag ni EA: “Wala naman ako, kaming dahilan para itago pa ang aming relasyon. Paano naman ako hindi magiging proud sa isang babaeng maganda, mabait at disente. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo kasi napakabait na girlfriend ni Shaira.”

Nakikita niya ba ang katauhan ni Shaira kay Coleen kaya ganu’n na lang ang chemistry nila sa pelikula? Malakas na tawa muna ang reaksyon ni EA at ang sagot niya, pang-kontesero, “Yung chemistry, bilang screen partners, it is either meron o wala kayo. Hindi siya puwede i-fake eh. Siyempre masaya ako na meron kami ni Coleen. Kaya pala naming magpakilig. Kahit ako nga takang-taka na meron kami.”

Biro ko kay EA, na mas guwapo siya ‘pag hubad baro. Namula ang pisngi nito at sinambit na, “isa lang naman ‘yung eksenang iyon. Alam kong ‘di ako puwedeng sex object. Parang marami ang mag-o-object ‘pag nag-feeling ako na ganu’n. Hahahaha.”

Ipapalabas na ang “Mia” ngayong Enero 16 sa mga sinehan sa buong bansa.

***

Si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim mismo ang naghayag na, “Ang nakaraang MMFF natin ay matagumpay. Mahigit na PHP955 million ang total gross sales ng walong kalahok na pelikula at it is only 4.5 percent short of the target natin na PHP1B. A little lower than last year’s PHP1.06B.”

Ang official top grossers ngayong taon ay ang “Miracle In Cell Number 7”, “The Mall, The Merrier,” “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” at “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Wala pang nabanggit si Chairman kung magkano ang kinita ng bawat pelikulang nasa Top 4. Ngayong opisyal na tapos na ang MMFF 2019, nasa diskarte na raw ng bawat producer kung gusto nilang ihayag ang kanilang gross box-office receipts.

Sa nasabing payanig, opisyal na ang anunsyo tungkol sa 1st Summer MMFF.

Walong official entries rin ang pipiliin. Ang Parada ng mga Bituin ay nakatakda sa Abril 5, Palm Sunday. Ang pagpapalabas ng mga pelikula ay mula Abril 11, Black Saturday, hanggang Abril 21, Martes. Ang Gabi ng Parangal ay nakatakda sa Abril 15, Miyerkoles.