Abante Tonite Interactive

EA at Shaira buking ang bakasyon sa US

5,357

EH kamusta naman si Edgar Allan Guzman na hind pa pala talaga hiwalay sa kanyang kasintahan sa dilim, si Shaira Mae dela Cruz?

Mas maliwanag pa sa mga bombilya sa poste ang katotohanang sila pa ring dalawa.

Kamakailan, nagpaalam si EA para sa kanyang short vacation sa US. Matagal na raw itong naka-schedule at gusto lang daw nito manood ng NBA All-Star game featuring Lebron James of the Cleveland Cavaliers and Stephen Curry of Golden State Warriors.

Ang hindi sinabi ni EA, kasama niyang umalis patungong Amerika ang girlfriend niya, si Shaira. At paano nalaman na sila ay magkasama? Pictures can’t and don’t lie. Pareho silang may mga solo pictures on the same location. Wala nga lang silang picture na magkasama sa isang frame. So most probably ay magkasama silang dalawa.

Nakita kasi namin ang photos ni Shaira sa IG account niya. Nagkataon lang ba na pareho sila ni EA nang pinuntahan lugar para magbakasyon?

So magkasama talaga silang dalawa as we presume? Mataray ang Shaira, may budget para makapagbakasyon kahit walang masyadong ganap sa karera. Hindi naman kaya si EA ang gumastos sa kanilang US rendezvous?

Adults na naman silang dalawa pero tama bang pati pala sa pamilya niya ay hindi ipinaalam ni EA na kasama niya sa US ang kasintahan niya sa dilim?

Dahil daw sa trip na ito, parehong natengga ang current movie projects nilang dalawa. Ginagawa ni EA ang Mata-Tapang for Cine Pilipino while Shaira is shooting Because I Love You with David Licauco, na produced ni Arnold L. Vegafria under the direction of Joel Lamangan.

May pribelihiyo na ba silang mag-feeling superstars kasi nga ang production daw mismo ang nag-adjust ng schedule kasi nga may trip si EA, na kasama ang kanyang GF.

Sa pag-uwi ni EA ga­ling sa US, willing kaya siyang sagutin ang issue na ito? Hindi naman kaya ‘buntis’ issue ang kasunod nito?

Ang mas nakakahambal, sinisira nga ba nito ang samahan ng pamilya ni EA? May sitsit kasi na binastos umano nito ang ina ni EA (na very vocal ang pag-ayaw sa kanya) at blinock na ni Shaira ang kaanak ni EA sa social media, how true?

Sana, ulo sa taas ang ginagamit ni EA at hindi palaging ulo sa baba. Pero kung mahal mo talaga si Shaira, eh di sige, mauunawaan kita. Nawa’y ang pamilya mo, dumating din sa pagkakataon na blessing ang ibigay sa inyo.

At sa iyo naman Shaira, sana maintidihan mo Ito, PICTURES CAN’T LIE. BUT STARLETS DO.

Steven inamin ang scandal video

ANG Original Lab-Lab ko, ang dating Kapuso at StarStruck grand winner Steven Silva inamin sa diva that you love na, “Yes, I’m aware of that video as well,” una nitong pahayag tungkol sa alleged video na kung saan siya ay naka-hubad baro at bida.

Sabi pa ni Silva, “I was tricked by the person I was chatting with. Apparently, they weren’t who they said they were and I was being recorded.”

May official statement ba siya tungkol dito? Maagap niyang sagot, “Wala naman akong statement, just hoping na sana ‘di siya maikalat sa ibang tao. I learned my lesson. No more naughty chatting for me.”

Hindi na raw niya alam o matandaan ni Steven kung may portion ang video na he went all the way and spank his monkey. Sad emoticon na lang ang reaksyon niya rito.

Sabi ko sa kanya, hindi ako emotionally prepared na makita siya in his ‘gifted’ state. Ang reaksyon ni Silva, “Ikaw talaga. Hahaha. How have you been, Alwin? “
Patapos na pahayag ni Steven, “I am doing well. Busy sa hostings sa mga events at corporate shows. Busy rin sa pag-fo-football.”