Abante Tonite Interactive

EAGLES KAMPANTE SA POINT GUARDS

By
3

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2:00 p.m. – DLSU vs. UST
4:00 p.m. – NU vs. Ateneo

Maraming armas na point guards ang Ateneo, lahat gumagana kapag tinawag ni coach Sandy Arespacochaga ang kanilang numero.

Malaki ang papel ng playmakers sa 5-0 karta ng Blue Eagles sa 80th UAAP basketball tournament.

Abante Hiring – IT dep

“It’s a luxury that we have very good point guards and it’s also a luxury that these guys have very good attitudes.” ani Arespacochaga.

Isa rito si Matt Nieto na pumutok sa huling laro kontra UST, kumana ng career-best 22 points at three rebounds para tulungan ang last year’s runner-up Ateneo sa 94-84 panalo noong Miyerkules.

Muling susubukan ni Arespacochaga na gamitin si Nieto at ibang points laban sa tigasin din na National University mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

“Normally, pag maraming kang ginagamit na point guards nagkakaroon ng problema sa mga players dahil gusto nila sila lang ang gagamitin, pero iba sila,” wika ni Arespacochaga.
“Our point guards, they know their roles. They’re gonna distribute the ball and when they have the open shot, they’re gonna take it.”

Nasa sixth place ang NU kapit ang 2-3 card.

Magbabanatan sa unang laro ang galing din sa talo na defending champion De La Salle University at nagkukumahog na Growling Tigres.

May 3-1 karta ang Green Archers, kasalo nila sa second spot ang Tamaraws habang bokya sa limang laro ang UST.