Abante Tonite Interactive

Eagles kumalas sa fourth

By
8

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2:00 p.m. — UP vs. FEU
4:00 p.m. — Adamson vs. UE

Pang-anim na biktima ng Ateneo ang National U 96-83 kahapon sa 80th UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Dikitan ang labanan, nagsimulang kumalas ang Blue Eagles sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Laglag sa 2-4 ang Bulldogs.

Hawak ng Ateneo ang 85-73 bentahe sa basket ni Mike Nieto, naibaba ng NU sa pito sa ikinasang 5-0 run kasama ang fastbreak dunk ni Issa Gaye 2:46 sa laro.

Dumiskarte si Thirdy Ravena at nagsalpak ng 3 para selyuhan ang panalo.

Kumana sina Chibueze Ikeh at Vince Tolentino ng 18 at 15 points, bumakas ang magkapatid na Matt at Mike Nieto ng tig-12 para sa Ateneo.

“We weren’t really surprised with them because of all the shots that they got came from within our offense. They defended us well from downtown so we attacked on the inside,” patungkol ni Ateneo coach Sandy Arespacochaga kina Tolentino at Ikeh.

Pinamunuan ng 24 points ni Jjay Alejandro ang NU.

Sa first game, bumangon mula sa pagkasilat sa UP ang La Salle­ (4-1) nang pagdiskitahan ang UST (0-6) 115-86 sa likod ng all-around performance na 29 points, nine rebounds, three steals at tig-two blocks at assists ni Ben Mbala.