Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eaglets skipper lumipad sa Adamson

0 310

Bagong pambato ngayon ng Adamson University ang umalis na team captain sa Ateneo High School na si Joaquin Jaymalin.

Aampunin ng Soaring Falcons ang 6-foot-1 forward ng Blue Eaglets sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) juniors basketball division.

Sa huling aksyon ng 18-anyos na shooter sa Season 82 ng liga, nagtala si Jaymalin ng 6.2 points, 3.5 rebounds at 1.1 assists kung saan nabingwit ng Blue Eaglets ang third place trophy.

Ang paglipat pugad ng cager ang nagbigay lakas sa Adamson na biningwit din sina 6-foot-2 Jhon Calisay at 6-foot-4 RV Yanes ng Technological Institute of the Philippines.

Kaabang-abang ang mga susunod na UAAP men’s basketball wars dahil sa bagong rekrut at mga pambato ng San Marcelino-based squad. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.