Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala asinta 2nd grand slam title

0 173

Aabutin ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang ikalawang Grand Slam crown sa pagsambulat simula sa June 6 ng 125th French Open 2021 juniors event sa Paris.

Sinungkit ng Pinay tennis junior standout na nag-16-anyos nitong Linggo, Rafael Nadal Academy scholar at Globe Ambassador sapul noong 2013, ang 108th Australian Open 2020 junior girls’ doubles katuwang si Indonesian Priska Nugroho.

Kaka-runner-up lang ni Eala at Russian partner Oksana Selekhmeteva sa kanyang unang women’s doubles professional stint sa W25 Platja D’Aro tournament sa Spain sa nakaraang linggo.

SM food to go Banner Ad

Umabot naman sa ‘Sweet 16’ sa women’s singles ang WTA (Women’s Tennis Association) world no. 661 sa nabanggit na torneo.

Dinale ng Quezon City native ang kanyang unang professional women’s singles title – ITF W15 Manacor – sa Spain nitong January. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.