Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala, Belgian sa Last 8

0 45

Tinagpas nina sixth seeded tandem Alexandra ‘Alex’ Eala at Hanne Vandewinkel ng Belgium sina unseeded Greek Michaela Laki at Slovakian Rodka Zelnickova, 6-3, 3-6, 10-6, sa 141st US Open junior girl’s doubles Round-of-16 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City Miyerkoles ng gabi (Huwebes ng umaga sa Manila).

Ang tagumpay ng 16-year-old Pinay netter, Rafael Nadal Academy at Globe Ambassador, at ni Vandewinkel ang nagsokpa sa kanila sa quarterfinals,tokang makaharap sina Elizabeth Coleman at fellow American, former doubles partner Madison Sieg sa Huwebes ng alas-3:00 nang hapon (Biyernes ng alas-3:00 nang umaga sa ‘Pinas).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinupuntirya ni Eala ang third Grand Slam doubles crown makalipas masakote ang 2021 French Open at 2020 Australian Open. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.