Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala ginulat Spain bet

0 44

Tuloy ang pagragasa ni unseeded Alexandra ‘Alex’ Eala nang bulagian si seventh seeded Cristina Bucar ng Spain, 2-6, 6-3, 7-6 (10-8) sa Round-of-16 ng International Tennis Federation ( ITF) World Tour W25 Grenoble pro tournament sa Grenobale Tennis Club sa France Huwebes ng gabi (Manila time).

Binalewala ng 15-year-old Pinay tennis sensation netter ang makupad na simula sa maangas na rally laban sa Spanish sa 2 hours and 33 minutes match para umabante sa Last Eight ng torneo, ang ikatlong sunod niya sa apat sa taong ito.

Naging mas mapusok din ang Globe ambassadress at Rafael Nadal Academy athletic scholar sa decider upang makumpleto ang panonorpresa sa 23-year-old Spanish na 164th sa Women’s Tenns Association WTA rankings kumpara sa 903rd Pinay.

Makakahambalusan ni Eala sa quarterfiunals ang mananalo kina hometown bet Gaelle Desperrier at Maja Chwalinska ng Poland.

Kapapamayagpag lang niya sa ITF W15 Manacor first leg Spain nitong January para sa unang pro career title. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.