Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala hahampas sa Wimbledon

0 64

Pagkasungkit sa ikalawang Grand Slam title, sunod na papluan ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang 134th Wimbledon Championships sa London sa June 28-July 11.

“I will be playing Wimbledon juniors, both in singles and doubles. Everything is planned out already,” lahad ng Pinay tennis standout, Rafael Nadal Academy scholar at Globe Ambassador sa Power and Play’ ni Noli Eala sa Radyo Singko Sabado.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa 16-year-old, Quezon City native at International Tennis Federation junior girls world no. 3, plantsado na ang kanyang ilang mga kinakailangang dokumento, kabilang na ang visa, upang makapaglaro sa Grand Slam tournament.

Kinopo ni Eala at kanyang Russian partner na si Oksana Selekhmeteva ang kampeonato sa 2021 French Open girls’ doubles sa Paris sa buwang ito. Kasangga naman niya sa 2020 Australian Open girls’ doubles crown si Indonesian Priska Nugroho. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.