Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala hahataw sa Espanya

0 206

NAKAPAMEWANG sa No. 2 sa world ranking si Grand Slam doubles champion Alex Eala at nais nitong higpitan ang pagkapit sa puwesto.

Kaya naman bago matapos ang buwan ay sasalang sa isang malakas na tournament ang batang Pinay netter.

Sasabak si 15-year-old Eala sa prestihiyosong 2020 Trofeo Juan Carlos Ferrero ITF Juniors Tennis Tournament sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 1 sa JCF-Equelite Sport Academy sa Villena, Spain.

Related Posts

Grade 1 ITF tournament ang sasalihan, maihahanay sa isang Grand Slam event kung saan malaki ang makukuhang puntos.

Malaki ang tsansa ni Eala sa nasabing torneo dahil impresibong ang kanyang performance sa nakaraang pinaluan na events.

Posibleng makaharap ni Eala ang mga tigasing sina Matilda Mutavdzic ng Great Britain; Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra; Ane Mintegi Del Olmo ng Spain; Natalia Szabanin ng Hungary at Diana Shnaider ng Russia na mga seeded players din sa event.

Nakapasok si Eala sa semifinals ng 2020 French Open girls’ singles kamakailan habang nagkampeon naman ito sa girls’ doubles sa 2020 Australian Open noong Enero. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.