Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala handa sa Miami Open

0 453

Dumating na sa Miami, Florida si PH tennis ace Alexandra Eala upang magamay ang klima at makapaghanda bilang wild card entry para sa 36th Miami Open tournament 2021 na gaganapin sa March 22-April 4 sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida.

Isang larawan ang ibinahagi ng 15-year-old netter mula sa Quezon City, Women’s Tennis Association (WTA) No. 736, Rafael Nadal Academy scholar at Globe ambassadress, sa kanyang Facebook page nitong Huwebes na may caption na “Greetings from Miami”.

Nanggaling si Eala sa RNA sa Spain kung saan nadale niya ang kanyang unang professional title, ang ITF W15 Manacor first leg nitong January. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.