Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala may taktika kontra COVID-19

0 344

SIMPLE lang ang paraan para masugpo ang nakamamatay na coronavirus pandemic.

Tumawag ng timeout.

Ayon kay dating Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Noli Eala, kung nais ng mga Pinoy na masugpo ang pagdami pa ng COVID cases sa bansa ay dapat pansamantalang huminto ang lahat.

Ikinumpara pa ito ng veteran sportscaster sa isang basketball game.

SM food to go Banner Ad

“In basketball, your opponent is making a 20-0 run, tinatambakan ka na, you call TIME OUT!” tweet ni Eala (@NoliEala).

“Reset the defense, run new plays and change strat. I think this can apply as well to battling Covid. Tambak na tayo, sub muna…TIMEOUT!”

Pero binara ito ng ilang netizen.

“I think walang kwenta ang timeout kung wala namang magandang plano/instruction. Ang sasabihin lang sa players, p*tang i** nyo, ang bobobo nyo. Ang titigas ng ulo nyo,” komentong tweet ni Chichi (wazzupchichi). (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.