Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala, mga dating tropa talo-talo

0 42

Nakatakdang makapaluan ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang mga bigating dating kakampi na sina International Tennis Federation world junior girl’s No. 1 Andorran Victoria Jimenes Kasinteseva, at Americans world No. 14 American Madison Sieg at No. 18 Elvina Kalieva.

Sa paghambalos ito ng 141st US Open juniors tournament sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City sa Sept. 6-11, na rito’t purtirya ng 16-year-old Pinay sensation, Rafael Nadal Academy scholar at Globe Ambassador ang unang singles title at pangatlo sa kabuuang Slam crown.

Tropahan sina ITF No. 2 Eala at Sieg sa trono ng JA Milan girls doubles noong July, kapareha niya si Kasintieva sa W25 Madrid noong June, at kasangga si Kalieva sa 2020 French Oopen at 2019 US Open doubles.

May ilang matitinik pang kalahok sa weeklong netfest, na isa sa apat na Grand Slam event sa mundo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.