Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala namayagpag sa Milan singles

0 87

Winalis ni top seed Alexandra ‘Alex’ Eala ang mga karibal, huli sa finals si 16th seed Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 6-3, 6-3 upang magkampeon sa JA Milan tournament Trofeo Bonfiglio girls singles sa Italy Linggo (Manila time).

Dinomina ng International Tennis Federation juniors world no. 3 Pinay netter buhat sa Quezon City ang second set upang mapasakamay ang pangalawang korona sa kagayang event para sa kasalukuyang taon. Sinungkit din ng Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar ang JA Milan girls’ doubles event partner si American Madison Sieg sa paglugmok kina Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at Sofia Costoulas ng Belgium, 6-4, 4-6, 13-11. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.