Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala nanalasa sa JA Milan

0 39

Kagagaling lang sa second-round exits sa 134th Wimbledon Championship girls’ singles at girls’ doubles debut sa London mag-iisang linggo pa lang, ibinuhos ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang ngitngit sa Juniors Tournament JA Milan sa Italy nitong Lunes at Martes.

Tinagpas ng Pinay ace, Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar at singles top seeded sa International Tennis Federation event na ito sa opening round si wild card Brenda Fruhvirtova ng Czech Republic, 6-1, 6-2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Seeded first din sa doubles katambal si Madison Sieg ng United State, hinakbangan din ng 16-year-old Quezon City native ang pares nina Stefania Bojica ng Romania Matilde Jorge ng Portugal, 6-2, 6-1, sa opener din.

Sunod kay Eala si Canadian Kayla Cross at sa kanila ni Sieg sina Russians Anastasilia Gureva at Ekaterina Maklolakova sa second round. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.