Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala pakitang gilas sa Tate

0 184

Tinapos ni Michael Francis ‘Miko’ Eala ang freshman stint sa Pennsylvania State University men’s tennis team na kumakampanya sa Big 10 Conference tennis tournament ng United States National Collegiate Athletic Association sa pagligtas sa Nittany Lions na mapaliguan ng University of Nebraska.

Tinagpas ng edad 18-anyos at 6-1 ang taas na Pinoy netter si Victor Moreno Lozano, 7-5, 6-4, pero nabigo ang Lions sa Cornhuskers, 2-4. Wagi rin para sa PSU si Bora Sengul ng Turkey kay William Gleason.

Sa kabuuan, nagtala ang kuya ni Alexandra Eala, sa men’s singles ng 12-5 win-loss record at 7-5 sa doubles. Kuntento naman ang binatang tenista. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.