Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala papalo uli sa Spain

0 101

Papalo si Alexandra ‘Alex’ Eala will sa pang-apat niyang professional tournament sa taong ito sa pagbabalik sa Spain.

Nakatakdang makatapat sa Miyerkoles (Huwebes Manila time) ng 15-year-old Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy (RNA) scholar si eight seeded Francesca Jones ng Britain sa W25 Las Palmas de Gran Canarias a Canary Islands.

Sumali si Eala sa W15 Castellon nitong November 2-8 sa nasabi ring bansa at agad sumulong sa second round sa pagdemolis kay local bet Alba Carillo Marin sa straight sets. Pero nakansela ang torneo dahil sa bagyo.

No. 3 ang Pinay junior netter sa world rankingng International Tennis Tennis Federation (ITF), habang ang 20-anyos na si Jones ay No. 249 sa Women’s Tennis Association. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.